Explore My Crazy World!

Same Shit. Different Day.

Posts tagged si Jaez.

0 notes

Sabi ko nga pala sa sarili, magbblog na ulit ako kapag bakasyon na. At sa totoo lang, ang dami ko na gusto iblog pero dahil sa katamaran ko, wala. Hahaha!

Nakakatawa nga eh, nasimula ko ng itype tapos ididelete ko ulit.

Aww. Bakit ganon? Hahaha! Ewan ba? Ako nga ata ay pa-safe! Lol. Minsan kasi, ayoko din magshare ng kung ano ano. Haha.

Yung mga binoblog ko lang eh mga pangyayare sa buhay ko. O kung ano nasa isip ko. O kung ano pang kashitan. Haha.

Madalas pa nga ata eh, nonsense na. Pero, wapakels! Blog ko to eh. Hahaha! :D

Filed under wala lang si Jaez.

2 notes

Sensitive.

Yes, I am.

Pero hindi naman ganon katindi. Alam mo naman na hinahayaan ko nalang madalas kapag nasasaktan ako diba?

Sus! Maraming tao na yung nakasakit sakin dahil sa pagkasensitive ko pero hindi ako nagrereact. Sakin na lang yun. Madalas, hindi ko na pinapakita o pinaparamdam na nasaktan ako sa ginagawa nila.

Wala lang.

Less talk. Less issue.

Mas mabuting ako nalang magpakababa kesa kung ano pa mangayre diba? 

So drama! Kasi naman eh.

May mga taong, nabibigla ako sa mga sinasabi nila. Ewan ko ba bakit nila ako ginganon. Eh wala naman ako ginagawang masama. Hinahayaan ko nalang.

Wag nalang magpaapekto. :)

Filed under wala lang si Jaez.

0 notes

Pride.

Ano yon? Di ko alam yun eh. Ang alam ko lang na Pride eh yung sabon panlaba!

So faneh~

Hindi mataas pride ko, wala nga ata akong kapride paride eh. Lol. Whatta word? De joke. Siguro meron naman kahit konti. Pero mababa talaga pride ko. Syempre, lalo na sa taong mahal ko. Di ko matitiis agad at mapapatawad ko sila agad. Konting suyo lang, okay na. Love ko kasi.

Sabi nila diba, nakakasira ng relasyon yang Pride. Eh bakit pa kasi pinapairal diba?

Hahaha. Basta ako di ko alam yun. Mga pinsan ko at mga kaibigan ko palage sinasabi sakin na kahit minsan daw dapat may pride ako.

Ewan ko ba, basta nagpapatawad ako kapag talaga nakikita kong sincere at di ko na talaga kayang matiis.

Eh ano ba yung pride? Sabon diba?

Haha! :D

Filed under si Jaez.

0 notes

“Napapagod ako pero hindi nagsasawa.”

Oh yeah. 

Hindi ko alam bakit ganon? Hindi ako marunong magsawa. 

Magsawang maghintay? NO.

Magsawang masaktan? NO.

Magsawa sa paulit ulit na awayan? NO.

At kung ano ano pang pwedeng pagsawaan. Basta NO.

Napapagod lang ako. Ganon lang. At iniintindi ko kasi. Basta kapag mahal ko talaga. I’m wiling to take risk and sacrifice. Kahit masaktan pa ako. Okay lang yan! Mahal ko nga eh.

Marami na ding advice yung naglabas pasok sa tenga ko. Napapaisip ako minsan na tama sila blah blah blah.

Pero at the end of the day ako padin magdedecide kung ano ba talaga yung gagawin ko. Right?

Syempre, nagmamahal ako kaya nasasaktan din ako. At kahit paulit ulit. Nagagawa kong magpatawad. Mahal ko nga eh.

Nakakatawa ngang yung mga ibang kaibigan ko eh nagsawa na ata makinig at magadvice sakin. Yung iba lang naman sakanila. 

Naiintindihan ko sila, eh kasi ako din naman may gusto nito diba?

Kahit paulit ulit, ewan ko. Basta ayun.

Laging laban! :D

Filed under si Jaez.

2 notes

Ano daw?

Ako ay isang tipikal na babae na magulo ang isip. Lol. Ano daw?

De seryoso na, fickle minded akong bata. Paiba iba ng mood at ng isip. I wonder who really gets me. Like yeah. Lol.

Kasi katulad ng ibang babae, may sapak din ako. Minsan pag naisipan kong, wag kang pansinin, di talaga kita papansinin. Kapag naman trip ko, magpapansin ako sayo para pansinin mo ako.

Mga babae talaga, hirap ispelengin. HAHA!

Moody ata ako kaya ganon. :D

Filed under si Jaez. ano daw?

2 notes

Pagsisinungaling.

Ang hirap kapag may tinatago ka sa mahal mo no? Sasabihin mo pa sa mga kaibigan mo,

 ”Oy, wag kayo magpopost sa ganyan na nagpunta tayo dito. Hindi niya to alam.”

 O kaya naman ganto,

 ”Oy, wag kayo magingay na nag-inom tayo. Hindi ko sakanya sinabi to.”

 O kung ano pang blah blah blah.

Eh tanong ko naman? Bakit pa kasi gagawa ng kalokohan tapos hindi naman maamin o masasabi sa mahal niya? 

Ay tanga ba teh? Kung mahal mo talaga yan, gumawa ka man ng kasalanan o mali, masasabi mo sakanya yan. At kung mahal ka niya, maiintindihan ka niya. 

Siguro, pagsasabihan ka niya, syempre. Mali ka eh. Pero ano ba naman yung simpleng pag-amin ng pagkakamali diba? Kesa magtago o magsinungaling ka pa sakanya.

Kaya ako, kahit magalit pa siya jan, basta sasabihin ko saknaya yung mga nagawa kong mali o kalokohan. Pagalitan niya man ako, okay lang. Atleast ako mismo nagsabi sakanya at hindi niya pa kelangan malaman sa iba.

Minsan kasi, kapag nalaman pa sa iba. Naiiba na kwento.

At higit sa lahat, hindi ako nagtago o nagsinungaling sakanya.

Isipin mo na lang, mas magagalit siya sayo kapag, sa iba niya pa nalaman at kapag hindi mo sinabi kaagad sakanya. Edi doble doble na kasalanan mo sakanya diba?

Filed under dae kong alam true si Jaez.

0 notes

RF: Mapagtanong ako.

Haha! Parang makulit akong bata na kung ano ano tinatanung. Minsan nga awkward na siguro. Baka I sometimes sounds like being nosy. Ayoko naman isipin nila na ganon ako. Kaya naghihingi naman ako ng sorry o pasensya. Ayoko naman mamisinterpret ugali ko.

Natutuwa kasi akong nakikilala yung isang tao, yung mga similarities at yung differences namin nalalaman ko. Sarap sa feeling na may similarities kayo at sarap din sa feeling na narerespeto ka kahit may pagkakaiba kayo. Hihi. :)

We are unique in our own way, right? :)

Filed under si Jaez. ako to eh. hahahaha! random fact!

0 notes

Ayoko talaga kapag ang isang bagay sinabi sakin tapos sasabihin din sa iba!

Tangna lang! Yung totoo? Gaguhan ba to?

Nakakainis lang! Sinungaling eh. Akala ko talaga sakin lang niya sinasabi yung mga bagay na ganon tapos kung kani-kanino pala! Sasabihin pang, “Sayo lang, para sayo lang!” Napakasinungaling naman pala!

Ang plastik pa, sasabihing ayoko na niya daw dun. Pero makikita ko ganon! Wow. Tangna! Lokohan eh.

Nakakainis kaya! Parang pinaasa ako eh. Ayoko sa lahat yung PAASA!

Plastik na, sinungaling pa! Wala na natira sayo. Magpakamatay ka na lang kung ayaw mong ako pumatay sayo! Babarilin kita sa SM! :D

Kung ano ano tuloy tong nasasabi ko. Ayoko kasi talaga ng ganon. -.-

Filed under aw. :( kainis! ayaw kong.. si Jaez.