Explore My Crazy World!

Same Shit. Different Day.

Posts tagged kwento

0 notes

Piano. ♥

Hindi naman ako marunong magpiano pero tinuturuan ako ng pinsan ko na tumugtog ng konti. Haha. Ang hirap hirap ko nga turuan eh, alam ko naman yun. Haha! Pero gusto ko kasi talaga matuto. Kaya ayun. Nagsimula ako sa piano na maliit. May mga letters pa, para mas madali mamemorize yung position ng letters.

Hindi ko pa kaya yung dalawang kamay, kaya isa muna. Haha.

Ode to Joy at Born this way kaya ko na tugtugin. Whaha, pero mabagal kasi hindi ko pa memorize masyado.

Yung intro ng Someone like you at ng Stereo Hearts kaya ko na din ng konti. Practice practice lang! Haha. Yung One thing naman, di ko pa ganon ka memorize. 

Dito sa mas malaking piano, wala ng letters. Nanibago nga ako tumugtog eh kasi nakakalito! Hahaha! Pero syempre, mas magandang wag ako masanay sa may letters diba? Haha!

Filed under kwento pictures

1 note

Kasi nga, nakakamiss na talaga!

Naiipon yung mga sweet na sasabihin ko sakanya eh! Kakainis kasi eh, baka sabihin niya lang sa iba yung mga bagay na sinasabi ko. 

Gets mo ba ako? Hahaha! Naman oh. Kunware, may sweet akong text sakanya baka kasi sabihin o itext niya din sa iba. Kaya nag-aalangan pa akong sabihin sakanya. -.-

Explain pa ako eh. Hahaha! SHET. Namimis ko na tuloy siya! :(

Sus. Walang araw ata na hindi ko siya namis. Kahit ata nung panahong katabi ko na siya sa kama ko, namimis ko padin siya! Baliw lang eh. Hahaha!

Pagkagising ko sa umaga, siya na agad. Basta, lage ko siya naiisip at naaalala. Haha. Ewan ko kung ganon din siya. Basta ako ganon eh.

Eehhhh! Ayan, wala na ako masabi kasi naman naiisip ko siya. Puro siya talaga! Muka nga niya yung nasa isip ko eh. Hahaha! Sobrang miss!

At every time na mahihiga ako sa kama ko, naaalala ko siya! Marami pa. Maraming beses ko siyang naaalala.

Ang nakakatawa pa, kapag mainit naaalala ko pa siya. Kasi ang hot niya! DE joke. HAHAHAH! Kasi naman, akalain mong natulog siya ng tanghaling tapat sa kama ko. Eh pagkainit init kale! Pero kahit mainit na nun, niyayakap padin niya ako. Hahaha!

Kapag brownout naaalala ko siya. Kasi naman, nung napadalas yung pagpunta ko sakanila nuon, panay nagbbrownout. Edi mainit nanaman! Hahaha!

Kapag kumakain, at napatingin ako sa paghawak ng kutsara at tinidor, naaalala ko siya. Hahaha! Iba kasi siya humawak ng kutsara at tinidor para sakin. Basta iba! Hahaha! Shet, nakakamiss!

Kapag naglalaro akong Temple Run. Kasi naman, nagpapataasan kami score. Alam ko naman talo ako sakanya! Hahaha! Tska andami dami niya tinuro sakin na kadayaan sa Temple Run! Hahaha!

Basta marami pa! Hahaha! Palage palage ko talaga siya naaalala! 

Mahal ko nga eh! :)

Filed under kwento

0 notes

March 23, 2012: Pag-uwe sa Bataan! :)

Hindi ko pa balak talaga umuwe ng Bataan neto. Kasi sa March 26 yung Grade Distribution namin. Pero ipinapadala naman daw sa bahay ay hindi naman daw mandatory yun. Pwede din naman daw kunin nalang sa Enrollment yung Grade slip.

So, nagdecide na ako na umuwi na! Sabi din kasi ni Bebe, umuwe na sa Friday para mapuntahan niya ako sa Saturday! Edi sunod naman akokay Bebe kasi miss na miss ko na talaga siya! :)

Pumunta muna kami ng Trinoma at namili ako ng pasalubong ko. Haha! At kumain kami sa Bread Talk. Trip lang namin! Sarap kasi don eh. Hahaha! Ang dami ko nga nakain na tinapay eh, sa byahe tuloy. Tulog ako. Hahaha!

At dahil biglaan yung uwe ko, nagpaalam na ako agad kay Mame, pinayagan naman na ako agad kasi kasabay at kasama ko naman pinsan ko sa pag-uwe. Haha! 

Dahil boring sa bus at byahe..

Muka daw akong aso na may ipit sa uli. Hahaha! :D

At sa wakas! Nasa Bataan na ako! :)

Filed under kwento

1 note

March 21, 2012: Fun in Star City! :)

Exam namin sa Accounting ng 9:00am to 12:00nn. Last exam na namin. Edi ayun. Pag tapos ng exam, nawala na mga blockmates namin, nagsiuwian na ata? Kami naman ni Abby at Rannie, wala naman kami kaplano plano. Ang alam ko lang nun magpupunta kami ng MOA para mag-ikot ikot lang at mag Starbucks. Tska nagdala naman kami ng pera. 

Picture picture muna kami sa labas tapos nung nakita namin yung mga lalake naming blockmates, tinawag namin sila. Pakipot pa kami nung una eh. Sasama kasi kami sakanila kumain. Tapos yun. Nung umalis na kami, nasalubong namin si Kim.

Tapos nagyaya na siya kumain. Edi sumama kami. Paglabas namin ng Gate nakita namin si Vane, Alex at Jenny. Mga din silang mapuntahan kaya ayun sabi nagsama sama na kami. “Oh tara! KFC.”

Edi nagpunta na kami sa KFC at kumain. Gang sa nagkayayaan na ng Star City! Edi go naman kami kasi may pera kami! Haha! Antanong kung papayagan ba kami? HAHAHA!

Edi nagtext na agad kami sa mga Mother ever namin. Tapos bumalik kami ng FEU kasi magpapaalam si Jenny at si Alex. Edi ayos! Pinayagan na sila. Ako, hindi pa! Kasi si Mame eh hindi ko macontact at hindi nagrereply.

Ugh! Ayun yung hirap kapag yung Mame mo, maraming kausap sa phone at katawagan na katrabaho niya kasi andami niyang project ngayon. Haha! Panay kasing Number busy.

Tapos pumunta muna kami sa Apartment ni Abby para magpalipas ng oras. Kasi 4:00pm pa daw yung bukas ng Star City. Tska si Dave at Villar. Umuwe sa dorm para maligo si Dave. Haha!

Edi nandun na kami kela Abby. Hahaha! Nagkulitan at kwentuhan kami. Hahaha! Sabi ko pa, may naaalala ako sa apartment ni Abby! Haha. Yung mga memories namin ni Ano! Whaha! 

Edi umalis na kami at nagpunta dun sa Vito Cruz. Dun na lang kami magkikita kita sa sakayan ng Orange Cab ba yun? Haha! Basta ayun.

Tapos ayun, hindi daw pinayagan si Pilongo at tska si Rannie. Aw. Edi ayun, go padin kami. Hahaha!

Si Jaez, Kim, Abby, Dave, Vane, Alex, Villar at Jenny! Kami kami yung magkakasama. Tapos sumunod si Pampols!

Pagpasok namin syempre, pila pila at kukuha ng ticket!

Tapos pumasok na kami, at sumakay sa hindi ko alam yung tawag. Basta, may tubig tapos nakasakay kami sa parang bilog na bangka. Lol. Basta ayun, nakakatakot lang sa pinasukan namin habang nakasakay sa bilog. Mga Pirates tapos may mga bungo bungo. Tapos may mga lights effects pa! Tapos yun. Sigawan kami eh! :D

Hindi ko na matandaan yung sumunod na sinakyan naming rides, basta eto sinakyan naming rides. Viking, Tornado, Surf Dance, Balloon Wheel, Star Flyer, Bump Car, Blizzard at Wild River na kinatatakutan ko date na wala naman pala nakakatakot. Haha! Sumakay din sila sa Jumping Star pero di kami nakasama ni Abby don kasi nasusuka na kami that time. 

Nung sumakay kami sa Blizzard, eh dalawa yung magkatabi, edi talo talo na kami sa mga magkakatabi. Sabi ko si Abby katabi ko. Eh ayaw! Si Jenny daw katabi niya. Sabi ko, wala akong katabi! Tapos si Kim daw! Eh ayaw ako ni Kim katabi! Ansama kasi nun sakin! Lage ba naman akong inaaway! Gang sa..

Kim: Oo na sige na! Tabi na tayo!

Jaez: Yehey! Aarte pa kasi eh!

Kim: Ikaw ang maarte!

Panay kaming ganyan mag-usap! Ansama niya diba? Huhu! Lol. Tapos sabi sakin ni Kim, ayaw daw niya ng maingay! Eh ang KJ naman kako, hindi ko kako kaya na hindi  sisigaw! Haha! Edi habang nakapila kami, nagtatalo kami! Kung ano ano pinagtatalunan namin. Oo, inaaway niya kasi ako edi iniba ko usapan!

Jaez: Kim, andami mong kapangalan no?

Kim: Ako naman pinakapogi! Hahaha!

Jaez: Yuck! Ano kamo? Pogi ka? Sino may sabi? Nanay mo?! Syempre, nanay mo yon! Hahaha!

(Yan yung picture namin, habang nakapila at nagtatalo at nag-aaway kami. Haha!)

Nung nakasakay na kami, sigaw ako ng sigaw tapos sumasagot siya ng “Ang ingay mo!” Whahaha! Tapos nung pagtapos nung ride at paglabas..

Jaez: Ansarap! Whahaha!

Dave: Naks! Ano yung masarap? Yung ride o yung katabi mong si Kim? Hahahaha!

Hahaha! Tawa ako ng tawa eh. Makabanat ng ganon! :D

Pumasok din sila sa Gabi ng Lagim! Dalang dala na ako jan kaya hindi na ako sumama. Baka kasi walang umakay sakin don. WHAHA! Tska nakaheels ako, dhuh! Hindi ako makakatakbo! Pati dun sa may mga mummy na mumu, pumasok sila. Hindi ako ulit sumama dahil mas natakot pa ako don kesa sa Gabi ng Lagim nung highschool ako. :D

At dahil hindi kami sumama ni Jenny sa loob, nagpicture nalang kami! :D

Nung sasakay kami sa Viking, ang haba ng pila!

Kim: Sasakay kayo jan? Haba ng pila!

Dave: Pre, hindi tayo makakasakay kung di tayo pipila.

Haha! Wala lang, oo nga naman! Hindi ko kasi nalimutan yang usapan na yan. Lol.

Edi sumakay na kami. Kaaay! Mas gusto ko talaga yung sa Anchor’s Away ng EK! Mas may thrill don eh. Syempre may picture kami! :D

Dalawang beses pala kami sumakay sa Viking. Inulet namin at yun na yung pinakalast na sinakyan naming rides. At sa pagkakataon na yon, katabi ko ulit si Kim. :”>

Nung una sabi niya, umusog daw ako kasi ayaw niya ako katabi. (Oh diba? Pinagtatabuyan niya ako eh! Ang sama! Haha!) Umusog naman ako at lumayo ng konti sakanya pero may mga iba pang sasakay kaya nagkatabi din kami.

Ang saya eh. Nung time na yon, ansarap ng pagkakaride ko sa Viking. Halos lahat ng nakasakay eh nag-enjoy. Wala halos sumisigaw. Eh sabi pa naman ni Kuya don, kumapit daw kami kasi Extreme daw yung ipaparanas niya samin. Whoa! 

Extreme na ba yon? Sarap nga eh. Para akong lumulutang at para akong inlove! Parang may mga butterflies yung stomach ko. Kasabay pa nun yung biruan namin ni Kim. Ansaya lang at enjoy eh! :)

Sa Star Flyer naman, 2 beses ako sumakay pero sila 3 beses. Kasi nung una hindi kami ulit nakasama. Haha. Nung highschool ako natatakot ako sumakay sa Star Flyer na yun. Bat kasi ganon yung itsura? Tapos nung nagkayayaan na sila na sasakay don ulit, sumama na ako kasi wala naman daw. Parang wala naman daw. May thrill pa daw yung Surf Dance at Viking! Haha!

Edi ako, hindi na ako natakot. 

Kapag kasi matapang mga kasama ko, pati ako tumatapang!

Nung una si Jenny katabi ko, super kwentuhan pa kami ng bongga at totoo nga parang wala nga lang! Pero ang saya! Hahaha!

Nung pangalawa naman si Pampols na yung katabi ko, inaya niya na kasi ako na siya yung katabi ko. Haha! Edi go! Haha. Tapos may kinuha kaming picture from Star  City at eto yung sakin..

Sa Bump Car, 2 beses din kami sumakay. At dahil ayoko magdrive, nagkisakay lang ako, nung una si Kim kasama ko, nung pangalawa naman si Pampols na. Haha! Ansaya lang. Enjoy kasi eh. Haha.

Sa Wild River na kinatatakutan ko, nung una ayaw ko pa pero dahil Go na Go sila, sumama na ako. Tatluhan yung ride na yun kaya yung pwesto, nasa unahan ko si Kim, nasa gitna ako at si Abby sa likod ko. Haha! Akala ko mababasa kami, hindi naman pala! Hahahaha!

Eto picture..

Sa Tornado naman, bago kami kumain. Naisipan na sumakay muna don. Grabe! Nakakahilo ng todo yung hayop na ride na yon! Hahaha! Don ako nagsimulang mahilo at makaramdam ng parang nasusuka na ako. Ayoko ng letseng ganong feeling. Haha! Hirap kasi eh. Kaya ayun, tapos candy na Maxx red lang pala okay na ako! Hahaha!

Ang nakakaloka kong picture. Haha! (Baliw lang talaga ako.) :D

Pagtapos ng ride namin sa Tornado, kumain kami at nagpahinga muna saglit. Haha.

Sa nakakalokang Balloon Wheel naman, 5 kami sa loob. Ang sikip eh! Haha! Tapos ang tagal. Nakakainip lang pero ako nag-enjoy ako. Lahat naman kasi ineenjoy ko. Haha. Mga 20x na ikot ata yung ginagawa eh. Grabe lang! Tapos mabagal pa yun. Pang couple talaga eh. Sa sobrang tagal. Haha.

At yung sa Surf Dance naman, 2 beses din kami sumakay. Pinakagusto ko to eh. Enjoy kasi. Ansarap din sa feeling nun sa tyan. Haha. Pero ayun, nahilo din ako ng konti dun. Pero konti lang naman. Haha. 

Ayun yung mga nasakyan naming rides. Hindi ata suno sunod pagkakakwento ko. Haha! Basta ayun.Late na din kami nakauwe. Haha! Syempre. Magkakasabay kami sa FX nila Abby, Gerald, Vane at Dave. Yung iba naming kasama na sila Kim, Alex at Jenny nagLRT sila at si Pampols, taxi ata? Mas nahilo pa nga ako sa FX kesa sa mga rides. Hahaha!

Nagkwentuhan kami habang naghihintay mapuno yung FX. At nagkaroon pa ng konting aminan tungkol sa mga sinisinta namin. Haha! Syempre, hindi ko na immention. Samin samin na lang at alam na namin yon. Haha!

Ang saya lang. Siguro dahil na din sa pagod at sa sobrang saya ko, kung ano ano na nasasabi ko. Tulad ng..

Kung bakla si Kim sige, tibo nalang ako! Haha.

Tawa sila ng tawa eh! Haha! Sinasabi kasi nila na bakla daw si Kim! Hahaha! Hindi naman bakla yun eh. Hahaha! Basta marami pang mga nakakaloka akong sinabi at mga banat na nakakatawa! Haha!

At eto pa habang nasa byahe kami, nakita ko sila Kim na naglalakad! Ang bilis lang ng mata ko kapag kay Kim! Ayun, nakasilay pa ako. Hahaha! Ang tangkad naman kasi talaga ni Kim at kitang kita eh! Haha!

Kela Abby muna ako bumaba at nagpasundo ako kay Mame. Ayun. Okay naman at di ako napagalitan! Sobrang nakakapagod pero sulit at sobrang saya! Thankyou po Lord! :)

Syempre, hindi mawawala yung mga picture picture namin kung saan saan! :D

At may picture din kami ni Kim! Hahaha! Nakakakilig lang to eh! Bagay na bagay eh! Ankyot kyot namin! HAHAHA! :D ♥ :”>

Sa picture na to, kumpleto na kami. Ang ganda nito, kahit medyo malabo lang. Basta. Ang saya! Nine nga pala kami lahat lahat na nagStar City! Haha. :D

At nung pauwi na, humirit pa kami ng picture! :)

Eto pa..

Sobrang enjoy at memorable! I love you guys! :)

Filed under kwento ang saya kasi eh!

2 notes

Sana mabasa niya. HAHA! :D

For the nth time, ibblog ko nanaman siya.

“Ang saya mo yata Jae.” sabi sakin ni Abby.

HAHA! Masaya ako kasi, namamansin na ulit siya kahit papano. Hindi na siya snob at masungit. 

Masaya ako kasi, namimis ko na siya tapos nagkakausap na ulit kami. Kahit na inaasar at iniinis niya ako.

Ewan ko bakit lagi niya ako binabara, iniinis, inaasar, pinipikon lahat na! HAHA! Ganon kasi talaga, sabi nga nila. “The more you hate, the more you love.”

Nainis ako sakanya, kasi wala siyang isang salita. May promise siya sakin na hindi niya ginawa. Gang ngayon nga, pinaghahawakan ko padin yung promise na niya yon. Laki kasi ng tiwala ko sakanya na gagawin niya yon. Kaya umaasa padin ako na gagawin niya yon. 

Nangingiti ako everytime na, tinitignan niya ako. Ewan. Nakakamiss kasi eh, date araw araw siya nakikipagtitigan sakin. 

Nakakamiss na yung mga kasatan, kulitan namin.

First time ko din siyang nayakap kanina. :”>

Pero siya, nayakap na niya ako date pa. Nakakamiss! 

Basta namimis ko lang siya. Isa kasi siya sa mga lalaking nakapalagayan ko lang loob. Yung tipong, lahat nasasabi at naoopen ko sakanya. Basta, magaan yung loob ko sakanya.

Nakakamiss siya.

Ngayon na lang nga ako ulit nagblog kasi, wala lang.

Sana mag-Anon siya ulit sakin. Sana makipagkulitan siya ulit sakin.

Nakakamiss yung feeling na, siya yung nagpapatawa at nagpapasaya sakin.

HAHA! Miss na miss ko siya no? Antagal na din kasi naman hindi nagkakausap, nakakasatan, nagkkwentuhan at nagkukulitan.

Siya kaya? Namimis din ako? HAHA! Asa pa ako diba? :D

Filed under SCHOOL! wee! kwento hahahaha!

0 notes

Happy Birthday to me! :D

Thankyou sa lahat ng taong bumati sakin. Naiyak na ako. HAHAHA! Naging masaya ako sa Birthday ko. Kahit na, alam kong hindi todo todo to. Basta alam ko naman kung kelan ako todo todo at totoong masaya. Thankful ako sa lahat ng magandang nangyare sakin ngayon. Thankyou sa lahat, sa mga taong hinintay mag twelve para batiin ako, sa mga nagtext ng bonggang bongga sakin, sa mga tumawag, nagPM, nagmessage, nagchat, nagpost sa wall, nagtweet, sa mga taong kinantahan ako, sa mga nageffort, sa mga nagsurprise, sa mga nagbigay ng ngiti, tuwa at saya, sa mga nagbigay ng regalo at sulat sa akin, at sa lahat lahat na. Salamat sainyo. Salamat! 

At higit sa lahat kay God. Thankyou thankyou! :) ♥

Happy Birthday to me! :”>

Dapat ipopost ko din to sa Facebook ko kaso hindi ako sanay na magdrama ng ganyan don. AHAHA! :D

Filed under kwento wee!

0 notes

Saya eh! :D

Auditor ng Pagmamahal? — Weh?

Capili for Emeterio! — Weh?

May mga oras talaga na ansarap makipagkulitan sakanila. Ayan oh, nagbanatan ba naman! Sabi ko kasi trip na trip ko sa mga taong binabanatan ako. Kakakilig kasi. :D

Tapos gang sa napunta sa mga laro nuon.

Pokemon, Harvest Moon, Crash Bandicoot, Super Mario, Rockman, Croc at kung ano ano pa, at ang pinakanamimis at pinakamamahal kong SPYRO.

Akalain mong alam din pala nila yon. Ugh. Namimis ko na. Namimis ko na maglaro ng mga yan. Elementary kami nung nabaliw baliw kami maglaro niyan. :D

Filed under kwento saya! wee!

1 note

Haha! Wow! :D

At dahil miss ko na si Amma, ang nag-aalaga samin ni Ate magpopost ako ng picture namin. :D

At ang bahay sa Bataan, namimis ko na! Ang panget ko jan diba? Lol. 2ndyear higschool ako niyan. At alam ko, periodical exam namin niyan at panghapon pa ako. Haha. Tandang tanda ko pa. 

Hindi muna ako magpopost o magkkwento ng tungkol kay Amma, nakakaiyak kasi eh. Basta kapag mga ganon na usapan, naiiyak ako. Namimis ko pa naman si Amma.

Haha! Magkakalkal pa akong pictures! :D

Filed under kwento wow! Naks! pictures Picture! :)

2 notes

Nakakamiss naman! :D

Nagkalkal kasi ako ng files at nakita ko to..

Papunta kaming Bicol niyan at hindi ko naman akalain na ganyan pala kakyot yung shot ko. Lol. Tuwa nga ako nung eh. Kasi may nakasalubong kaming boat din. Tas yan pinicturan ko. :D

Ako yung nasa gitna. Hindi ko na matandaan kung anong Beach Resort to. Marami kasi kaming pinuntahang beach nuon don. Ako yung nasa gitna. Sexy ko pa jan. :D

Sa Twin Rock to, kung mapapansin mo ang bata ko pa jan. Nyaha! Pero ankyot lang. Kasama ko nga pala si Ate Kat. :D

Ang bata ko pa oh. 1st year highschool ata ako niyan, o magfirst year. HAHA! Ayoko na magpost ng iba pang pictures, panget ko kasi. 

Sa bakasyon ko sa Bicol, dun ako umitim ng todo talaga. Haha. NAkakamiss. Nakakamiss magbakasyon sa ibang lugar. :D

Filed under kwento Vacation! hahahaha! wee! pictures Picture! :)