Explore My Crazy World!

Same Shit. Different Day.

Posts tagged aw. :(

0 notes

“Bitawan mo yung mga bagay na nakakapagpalungkot sayo.”

Yan yung sinasabi nila sakin.

Pero papano ko bibitawan yung bagay na nakakapagpalungkot sakin kung iyon din yung bagay na nakakapagpasaya sakin?

Ang labo no? Ang hirap. Walang malinaw sakin ngayon.

Pero naisip at parang gusto ko na bumitaw. Gusto kong lumayo at mawala ng panandalian.

Hindi ko ba alam bakit ganon. Parang lahat kasi sila, iniwan ako. Kaya ganto pakiramdam ko eh. Nakakalungkot ako. Wala sila. Iniwan ako.

Pero naiisip ko din naman yung sinabi nilang, “Kahit anong mangyare, di kita iiwan.” Naniniwala ako, kasi may tiwala ako sakanila.

Puro pero. Pero. Pero. Pero. Kaya gulong gulo ako.

Hirap na hirap na nga ako na, umiwas eh. Kung pwede ko lang ideactivate yung Facebook ko at i-off yung phone ko, ginawa ko na.

Kaso, di lang naman sila yung connected don. May iba pang tao. Papano nalang kung may mahalagang magchat or something. Edi hindi ko malalaman? Tska yung sa phone, everytime na may training tinatawagan kami ni Tita. So, papano nalang kung i-ooff ko?

Naisip ko din na, alibi ko lang yan. Kasi pwede ko din namang sabihin na, papano nalang kung nagPM siya? Papano nalang kung may unexpected phone call?

Oh diba? Kasi nga umaasa pa ako. Oo, umaasa pa ako na maging okay lahat. Maging okay ang lahat.

Ni hindi ko alam yung dahilan bakit nagkaganto eh. -.-

Sa pagkakabilang ko, 21 days na akong hindi okay at kapag sinumpong eh iiyak nalang bigla. Nagiging masaya naman ako kapag may something. Like kapag naglalaro kami ng Bingo, kapag nagkikipagkulitan sa mga pinsan ko at kapag may training ako.

Thankful na din ako don syempre.

Nakakamiss lang talaga yung saya na sakanya ko lang nakukuha.

Yung sa kanina, ewan ko kung anong nagyare at bigla kong naisipan itext siya. Wala naman sa plano at balak ko yun eh. Kasi nga lalayo muna ako sakanila diba? Napasama pa ngayon ako. Mas lalo lang ako nasaktan sa pagkakatext ko sakanya na yon.

Hay.

Ang hirap at nakakalungkot isipin na pinili ko magstay dito sa Bataan para sa mga taong mahal ko at para makasama ko sila at para maging masaya. Pero saglit lang at nagkaganto na.

Kung alam lang sana nila na antagal kong hinintay yung araw na magbakasyon para makasama at maging masaya at makapagstay dito.

Kung alam lang sana nila kung gano ko ipinagpilitan sa Daddy ko na dito ako magstay at magbakasyon. 

Kung alam lang sana nila na ipinapagpalit ko yung pag-oout of town na gusto kong ginagawa para di na lumayo dito.

Kung alam lang sana nila yung sakripisyo na kaya kong gawin para makasama sila.

Kaso, di nila alam yan. Wala silang alam jan. Pano nila malalaman kung ni hindi nila magawang kausapin ako diba?

Ang sakit lang isipin na yung taong kung ano ano ipinangako sayo, eh wala naman sa tabi mo ngayon. Halos walang paki sayo. Ewan ko bakit ganon. Hirap! 

Ni hindi ko alam san talaga ilulugar sarili ko. Palage ko nalang silang naaalala! Umaga gabi, kapag kakaen, sa harap ng computer at kahit kapag nagtetraining. Di tuloy ako makapagconcentrate kaya panay na akong napapagalitan.

Binibilang ko yung bawat araw na nagdadaan at nasasayang. Mga araw na, pwede sana kami magkasama pero dahil sa nagyayare eh nasasayang.

Sayang. 

Biruin mo, 21 days nang ganto. Walang maayos na pag-uusap sakanya, walang maayos na pagkikita. Syempre, kung pag-uusap palang wala na. Pano pa yung pagkikita?

Kanina, parang hindi ko na kaya. Parang gusto ko na bumitaw. Naisip ko naman na, kakausapin naman nila ako, if they want to. And marami namang paraan para don.

Nakakalungkot. Hindi ako nagpaparamdam at namamansin sakanila pero baliwala naman yun sakanila.

Parang ako, bali wala nalang. :( 

T.T

Filed under aw. :(

0 notes

Hay. Ewan?

Ang dami dami kong gustong iblog pero nakatitig lang ako sa monitor at wala nanaman ako masabi at maitype..

Pero game na nga!

Katext ko kasi siya. Okay, basta. Siya. Tapos.. Okay! Tapos na, de joke! Hahaha.

Leche, eto na talaga.

Naiyak ako kanina. Ewan ko ba. What’s fvcking new? Palage naman ako umiiyak. Eh nagulat kasi ako sa sinabi niya.

At may natuklasan ako sa sarili ko..

Kapag ang sagot ay nalaman ko na sa mga tanung na hindi ko maintanung dahil natatakot ako sa isasagot nila/niya, I tend to stop.

Ang labo nanaman ng explain ko. Basta ganon. Kasi, kanina nga diba katext ko siya, tapos ako syempre, namimis ko siya to the point nga diba na gusto ko maibalik yung dati. Pero natatakot ako itanung sakanya kung siya ba eh gusto padin niya o ayaw na. Kung may pake paba siya sakin o wala na.

(Ayun yung mg simpleng tanong na di ko maitanung dahil natatakot ako malaman yung isasagot niya.)

Hindi naman ako nagtanong sakanya pero siguro alam na niya kung ano yung ipinahihiwatig ko tapos bigla nalang sabi niya..

“Magagalit si *insert name here* Ayoko na maulit pa yung date.”

Hindi ko sure kung ganyan yung eksaktong sinabi niya pero ganyan sa pagkakaalala ko yung sinabi niya.

For the nth time, ganon nanaman? Okay! 

Nung tinext niya yon, di na ako nagreply. Tulad ng sinabi ko, I tend to stop once I know the answer.

Tanga na nga ako, papakatanga pa ba ako?

Kaya pala kung magbitter siya eh ganon ganon lang. Kaya pala! Kilalang kilala ko din kasi yun, di magiging ganon sakin yun ng walang dahilan.

At ang tanging alam ko lang na dahilan kung bakit ganon padin yung trato niya sakin is yung kasalanan ko na, okay naman na daw. Pero dahil nga sa nalaman ko ulit kaya ganyan nanaman siya.

KAYA PALA.

Idk. 

Pero ayun nga, nabigla ako. Dhuh, ewan ko ba bakit hindi pa ako masanay at nabigla pa mo daw ako. Eh palage naman niya ginagawa sakin yon.

Tanga diba? 

Naiyak ako. Ewan ko ba, siguro sumabog nanaman yung puso ko. Hindi nanaman niya kinaya lahat tapos dadagdag pa yon diba?

Ansaya ba? Lol.

Sa totoo lang, okay na sana ako eh. Nakakaramdam na ako ng kahit konting saya. Ewan ko ba bakit sinumpong nanaman ako ng kalungkutan.

To the point na iiiyak ko nanaman..

Filed under YEA! aw. :(

0 notes

Ang hirap.

Nagkatext kami ni A kagabe, kahit smart siya. Nirereplyan ko siya. Sakto naman kasi na may load akong 30. Since di naman ako nag-uunli at gusto ko siyang makatext, nireplyan ko siya.

Yung feeling na miss na miss mo din siya pero parang wala siyang paki sayo.

Nagkamustahan kami, tapos may masakita daw siya ganon ganon. Syempre ako, may pakealam ako sakanya.

Nagagagulat lang yung mga reply niya sakin. Ang bitter padin kasi eh. Akala ko, okay na kami. Everytime na magkakausap kami or magpPM siya, palage ko naiisip na okay na kami pero di padin pala.

Hirap lang na may paki ako sakanya pero siya, pinapakita niyang wala siyang paki sakin.

Kapag naman hindi ako nagtetext sakanya, sasabihin niya. Nagtetext at nakakaalala lang daw ako kapag may kelangan ako. 

Kapag naman text ako ng text, sasabihin niya. Makulit ako tapos magrereply siya na parang wala akong kwentang tao.

San ba ako lulugar? Hirap naman eh.

Ang bitter niya. Tapos sasabihin niya na, wala na daw sakanya yung nagyare. Talaga lang?

Hirap eh, hirap lumugar.

Filed under aw. :( ang gulo.

1 note

Iyak nanaman.

Hirap na hirap na ako. Sobrang lungkot ako. Sabayan mo pa ng sama ng loob at sakit na nararamdaman ko.

Lahat sabay sabay. Hindi ko na alam papano ako lalaban, papano ako magging matatag at malakas. Ang hirap.

Sa iyak ko nalang idinadaan lahat pero sasabihin pa nila, “Para iyan lang iniiyak mo na?” 

Walang nakakaintindi sakin eh. :(

Kapag ba umiyak, mahina na agad? Tang ina lang! Titigas lang ata ng puso niyo kaya hindi kayo naiiyak.

Mahina na kung mahina basta kapag naiiyak ako, iiyak ako. 

Oo, iyakin. Eh ganon ako eh.

Hay. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam gagawin ko.

Walang taong masandalan, malapitan, mapagsabihan. :(

Walang taong nagcocomfort. Lahat sila wala.

Nasan yung sinasabi nilang, “Nanjan ako palage para sayo.”

Nasan? Ni isa wala diba? Kahit alam at ramdam nila na di ako okay.

Kapagod. :(

Filed under aw. :(

3 notes

Sana mabasa niya to.

Sa tuwing magbavibrate yung phone ko, hinihiling ko na sana ikaw yung nagtext o ikaw yung tumatawag sakin.

Sa tuwing makikita kong may notification ako sa Facebook, hinihiling ko na ikaw yung laman at dahilan nun.

Sa tuwing tutunog yung iPod dahil may nagtweet sakin, hinihiling ko na sana ikaw yung nagtweet sakin.

Sa tuwing aalis ako at pupunta sa Balanga, hinihiling ko na makita man lang kita. Oo, kahit makita lang kita. 

Sa tuwing aabutan ko yung 11:11, hinihiling ko na pansinin mo na ako, kausapin mo na ako, na magparamdam kana sakin.

Pero madalas kapag ganyan, bigo ako. Wala eh.

Hindi ikaw yung nagtetext, madalas 4438 o mga walang kwentang GM. 

Hindi ikaw yung nasa notifications ko, madalas mga post sa Group ng kung sino sino.

Hindi ikaw yung nagtweet sakin, madalas mga kaibigan ko na nakikipagchikahan sakin.

Hindi ikaw yung nakikita ko, madalas mga taong di ko naman close.

At sa bawat hiling ko sa 11:11, pagkagising at bago ako matulog, madalas hindi ka naman talaga namamansin at nagpaparamdam.

Pero hindi naman ako tumitigil sa paghintay. Naniniwala kasi ako, na may tamang oras at panahon para sa lahat ng bagay.

Hindi naman ako nagsasawang maghintay sayo. Napapagod lang kaya nagpapahinga ako pero hindi ako tumitigil.

Mahal na mahal kita kaya nagagawa kong maghintay at tiisin lahat ng sakit nanararamdaman ko. Kahit ano basta para sayo, kakayanin ko. Mahal kita eh.

(Source: littlemoi)

Filed under aw. :( :( sulat dae kong alam D

0 notes

Sige, ibablog ko na lang..

Gusto kong magpakalayo layo, gusto kong panandaliang mawala. At sila naman humanap sakin.

Nagkita kami kanina, pero parang wala lang. Oo, parang wala lang. Ewan ko bakit ganon? May mali eh. Feeling ko lang. 

Kaso hindi naman ako manghuhula para malaman ko agad bakit nagkakaganon.

Ayun nga, hindi niya ako pinapansin, kinakausap. Kahit ano.

Tinitignan ko lang siya. Ni hindi ko nga siya makasat eh. Nahihiya na kasi ako. Baka ayaw niya. Kaya ako naghihintay lang na kausapin siya. 

Tinext ko siya kagabe eh. Pero as usual, hindi naman niya ako nireplyan.

Hay, di ako makaconcentrate talaga sa kahit anong bagay na gawin ko.

Paglaro ng Temple Run, Scramble, Pop the Corn, Pagttweet, Pakikipagcomment chat at pati pagbablog.

Wala ako sa wisyo.

Wala ako sa mood.

Wala ako sa sarili.

Wala akong gana.

Wala. Wala. Wala.

Parang ako sakanya, Wala.

:(

Sige, di ko na makaconcdentrate.

Filed under aw. :(