Explore My Crazy World!

Same Shit. Different Day.

Posts tagged SCHOOL!

0 notes

March 22, 2012: Thankful and Happy! :)

Eto kasi yung araw na, lumabas yung mga grades namin. Sobrang thankful ako at maganda yung grades ko.

Hindi ko akalain yun. Lalo na sa Accounting. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Lord! Ang saya saya ko.

Pagkakita ko sa grade ko, naiyak ako sa sobrang tuwa ko. Tears of joy talaga! Hindi ko akalain yun. Ang saya talaga!

Lumakas yung loob ko at lahat ng pag-aalala ko, nawala. Basta masaya at hindi Niya talaga ako pinapabayaan.

Eto din yung araw ng pagdating ng pinsan ko  bahay namin. So gumala muna kami at nakabili kami ng Dress. Ayun, ubos pera nanaman! Hahaha! :D

Filed under SCHOOL!

1 note

Ayoko umayon sa agos.

Kasi mahirap eh. HAHA! Ang hirap. Kahit na sanay na ako sa ganyan. Nung highschool, ganyan ako lage sa mga sitwasyon. Basta ganon. 

Pero ngayon ayokong umayon sa agos baka maligaw ako. 

Tapos hindi naman niya ako hahanapin.

HAHA! Ano daw?! Kung ano ano nanaman naiisip ko. :D

Filed under hahahaha! nakakabaliw! SCHOOL!

1 note

Awkward. :D

Ang awkward talaga.

“Nung crush ko siya, close na close kami at okay na okay. Ngayong hindi ko na siya crush, wala na biglang hindi na kami close.”

Usually, kapag umamin ka sa crush mo na crush mo siya, nagkakailangan kayo diba? Pero kami hindi, ang lakas din kasi ng loob ko na aminin sakanya na crush ko siya. Walang alinlangan kong inamin yon. Ni hindi ko naman iniisip na magkakainlangan kami. Astig! Lalo pa nga kami naging close at super lapit sa isa’t isa. 

Ngayon hindi ko na siya crush, bigla nagbago na lahat. Hindi na kami madalas magusap, parang hindi na kami close. NAKAKAMISS kaya!

Hindi ko alam bakit bigla siyang nagkaganon. Magbabakasyon na at konti na lang yung natitirang araw ng may pasok kami. Eh bakit ganyan pa diba? Hay.

Hindi mo siguro maintindihan yung mga salitang “Namimis kita.”

Hindi ko alam bakit ganyan gusto mong mangyare. Parang wala tayong pinagsamahan. Hindi ko alam yung dahilan. Hindi ko alam yung problema. Ayaw mo kasi magsabi.

Feeling ko kasi meron, ayaw mo lang sambitin.

Kung ako ay bitter? HAHA! Siguro nagsasalita ako ng mga ganto..

Porket may nakita kang mas better sakin.. Blah blah blah!

Pero nakakapagselos man yung ibang pangyayare, unfair man o kung ano pa. Alam ko papano ko ilulugar sarili ko sakanya.

Iintindihin ko na lang. HAHA! Tatawanan ko na lang. Basta, always padin akong nandito para sakanya kahit hindi na niya ako kailangan.

Lolololol. Ang gulo ko din eh. Whatever!

Sakit. P*ta! Unfair kasi. </3

Filed under aw. :( ano daw? SCHOOL!

2 notes

Sana mabasa niya. HAHA! :D

For the nth time, ibblog ko nanaman siya.

“Ang saya mo yata Jae.” sabi sakin ni Abby.

HAHA! Masaya ako kasi, namamansin na ulit siya kahit papano. Hindi na siya snob at masungit. 

Masaya ako kasi, namimis ko na siya tapos nagkakausap na ulit kami. Kahit na inaasar at iniinis niya ako.

Ewan ko bakit lagi niya ako binabara, iniinis, inaasar, pinipikon lahat na! HAHA! Ganon kasi talaga, sabi nga nila. “The more you hate, the more you love.”

Nainis ako sakanya, kasi wala siyang isang salita. May promise siya sakin na hindi niya ginawa. Gang ngayon nga, pinaghahawakan ko padin yung promise na niya yon. Laki kasi ng tiwala ko sakanya na gagawin niya yon. Kaya umaasa padin ako na gagawin niya yon. 

Nangingiti ako everytime na, tinitignan niya ako. Ewan. Nakakamiss kasi eh, date araw araw siya nakikipagtitigan sakin. 

Nakakamiss na yung mga kasatan, kulitan namin.

First time ko din siyang nayakap kanina. :”>

Pero siya, nayakap na niya ako date pa. Nakakamiss! 

Basta namimis ko lang siya. Isa kasi siya sa mga lalaking nakapalagayan ko lang loob. Yung tipong, lahat nasasabi at naoopen ko sakanya. Basta, magaan yung loob ko sakanya.

Nakakamiss siya.

Ngayon na lang nga ako ulit nagblog kasi, wala lang.

Sana mag-Anon siya ulit sakin. Sana makipagkulitan siya ulit sakin.

Nakakamiss yung feeling na, siya yung nagpapatawa at nagpapasaya sakin.

HAHA! Miss na miss ko siya no? Antagal na din kasi naman hindi nagkakausap, nakakasatan, nagkkwentuhan at nagkukulitan.

Siya kaya? Namimis din ako? HAHA! Asa pa ako diba? :D

Filed under SCHOOL! wee! kwento hahahaha!

2 notes

Valentine’s daw? Lol.

K. Bitter eh. Bat ba? Kanya kanya nga! Lol.

Hindi naman ako ganto nuon eh. Para bang wala lang sakin yung Valentine’s. Tapos ngayon parang gusto ko may mangyareng special sakin sa Valentine’s. Eh wala naman. Anong aasahan ko? Wala nga akong boyfriend? Wala? Ewan. Ay, oo wala. Tska malayo din kami sa isa’t isa.

Flowers and balloons everywhere. Ansaya eh. Wala lang. Haha. 

Masaya naman ako kahit papaano. Nagkabestfriend ako sa araw na to. Masaya ako don. Na may bestfriend na ako. At si Sta. Ana yon. :”>

Sa mga simpleng biruan din naman, sumasaya na ako. Tulad nito.

Jana: Villar, yung rose ko?

Villar: Mahintay ka! Hardin na ibibigay ko sayo. 

Tawang tawa ako. Ang loko talaga ni Villar! :D

Tapos eto pa..

Jaez: Bat di mo ako binigyan ng flowers?

Villar: Nasayo na nga puso ko, tapos bibigyan pa kitang flowers? Lugi na ako nun! Haha!

Natawa lang ako. Sus. HAHA!

Off topic:

Wala lang. Nakakamiss kasi yung may nageefort para pasayahin ako. Dito kasi, meron naman pero, iba padin sa hinahanap ko. Nakakamiss. Gusto ko na tuloy talaga umuwi sa Bataan. :(

Hay Jaez, don’t let negative energy beat you. Kainis kasi eh. >.<

Ayoko na ata?

Filed under Hay! weh? SCHOOL! sus! kwento wala lang